Sa araw na ito, Biyernes, ika-29 ng Agosto, 2014, idinaraos ng Cor Jesu College Department ang pagtatapos o kulminasyon ng Buwan ng Wika sa taon 2014.
Alinsunod sa Proklamasyon Bilang 1041 na nilagdaan noong 1997 ni Pangulong Fidel V. Ramos, itinakda ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa.
Ang pagdiriwang na ito ay ginaganap taun-taon upang malaman ang mga paniniwala,kultura at tradisyon ng mga mamamayang Pilipino . Isa sa mga layunin nito ay ang ipagbatid na mayroon tayong sariling atin, sariling wika, sariling pagkain, sariling laro, sayaw at mga magagandang kaugalian.
Ang mga gawain at mga timpalak sa araw na ito ay pinangasisiwaan ng samahang Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMAFIL) at may temang: FILIPINO: Wika ng Pagkakaisa.